NAKAPANGALUMBABA si Zachary habang nakatingin sa kaniyang asawa na para bang hangin magpatakbo ng motor. Hindi siya manalo rito at wala itong balak na magpatalo. Masaya siya habang nakikipagkarera rito paikot sa Taal Lake. Tinawanan siya nito nang makababa ito ng motor at isauli niya ang motor na hiniram nila sa Motocross Shop and Rental Services. Nauna itong nagtungo sa kaniyang kotse at nakahalukipkip na hinintay siya nito. "Akala ko ba nag-aral ka, mahal? Two years ba kamo? Tsk. Tsk. Hindi mo ako matatalo. So paano na ngayon ang kasunduan natin?" Nagdilim ang kaniyang anyo. "One year akong maghuhugas ng pinggan." "Good. Mabuti iyan." Tinapik-tapik nito ang kaniyang balikat. "Better luck next time, Mr. Zachary Damien Nicolas." Sumakay siya sa kotse niya na malungkot. Hindi niya naki