NAKATANAW si Zachary sa malawak na dalampasigan. Sariwang hangin ang kaniyang naamoy at malamig na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Isang linggo na rin siyang nandito sa Pangasinan at nakabili na rin ng isang lumang bahay na malapit sa dalampasigan ng Isla Paraiso. Galing siyang America at walang ibang ginawa kun'di mamasyal sa mga iba't ibang lugar. Isang taon siyang nag-stay sa Central Manhattan dahil nagustuhan niya ang lugar doon. Nakalimutan niya ang kaniyang mga problema lalo na kung umiinom siya palagi ng alak kasama ng mga ibang tao na problemado sa buhay na tulad niya. Madalas siya sa Time Square o mas kilala sa tawag na the cross walks of the world. Gusto niyang nakikita ang mga malalaking buildings na abot hanggang langit. Napapalamutian ng iba't ibang makukulay na billbo