NASA labas ng si Guiller ng bahay nina Aryanda. Hindi niya mapigilang kumustahin ito kaya minabuti niyang pasyalan na lang ang dalaga. Naitaon na Friday at wala na siyang gagawin. Hawak niya ang kumpol ng red roses habang tinatawag ang pangalan nito sa labas ng bahay ng dalaga. Lumabas ang babaeng may edad na pamilyar sa kaniya. Masaya siyang makita itong muli. "Guiller?" anito nang matignan siyang mabuti. "Lola Loleng?" aniya na bakas ang tuwa. Dati nilang labandera ito noon sa mansion noong buhay pa ang kaniyang ama. Niyakap niya ang matanda sa sobrang saya. "Iho, hinahanap mo ba si Ekang. Halika sa loob tumuloy ka. Mainit dito sa labas dahil alas tres pa lamang ng hapon. Ipaghahanda kita ng masarap na meryenda." Inakbayan niya ito habang pumapasok sila sa loob. "Lola, hindi ko tal