"Celestina, siya ang boss mo si Jacob Delmonte ang presidente ng kumpanya na ito." Nakangiti si Sir Brix, habang sinasabi niya 'yon. Nakayuko ako habang papalapit sa kanya. "H-Hello, Sir Jacob!" Para akong nakahubad kung titigan ako ni Sir Jacob. Hindit tuloy naging komportable ang pakiramdam ko ngayon. "Celestina, I have a question?" Lumunok ako. "Sana lang kaya ng utak ko ang itatanong niya sa akin wala pa naman akong idea kung anong trabaho ng isang personal secretary. "Maiwan ko muna kayo dahil baka hinihintay ako ng babylove ko." Tumayo si Sir Brix. Nang tumapat siya sa akin ay marahan niyang tinapik ang balikat. "Don't worry hindi ka niya sasaktan pero baka kainin ka niya." Sabay kindat ni Brix. Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Iba kasi ang unang pumasok sa isip ko sa sinabi