DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Good morning, Demonyita… Kumusta ang pakiramdam mo, okay ka lang ba?” Habang nagiinat ako, tinanong ako ni Lhyne. Binuga ko muna ng marahas ang aking hininga at binagsak ang likod ko sa malambot kong kutson. “I am okay… Effective naman ang ininom kong gamit kagabi…” Nawala na ‘yong lagnat at ang pananakit ng katawan ko. “Kumain na tayo. Naka-hain na ang pagkain mo sa balcony. Sina Madame Devilliane at Boss Gideo, tulog pa yata.” Dahan-dahan na akong bumangon sa kama habang napapahikab. Ang sarap pa rin ng tulog ko sa kabila ng nangyari. Ang aga kami natulog ni Lhyne pero mag-a-alas otcho na pala ng umaga. “Maghihilamos muna ako.” Tumango ako sa sinabi n’ya. Umupo muna ako sa gilid ng kama at kinuha ang hand bag ko na naka-lapag sa ibabaw ng side table. Pin