DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Putangína mga bastos kayo!” Iyan ang malakas na sigaw ni Ferruccio habang madiin n’yang tinatakpan ang aking ilong, sakop na ang chin ko. Wala naman akong naamoy pero silang lahat, kan’ya-kan’yang takip ng mga ilong habang napapangiwi. “Let’s get out of here, Devillianna!” Kinapitan n’ya ang kanan kong pulsuhan. Hinila n’ya pa ako patayo at mabilis naming nilakad ang daan palabas. Nagsitakbuhan naman ang apat at sumabay sa amin si Lula. “Fúck! That was diabolical!” ungal pa ni Ferruccio. Tumigil kami sa kinaroronan ng living area. “Alright, who did it?! Who farted?! Was that you, Pierre?!” “What the?! Bakit mo ako pagbibintangan?! Hindi ba’t ikaw ang mas naunang nag-react?! It was you, then!” sigaw n’ya habang naka-angat ang neck line ng suot n’yang v-neck