"NAGSESELOS KA BA?" naguguluhang tanong ni Shanelle kay Elvin habang diretsong nakatingin dito. Ang mukha nito ay ganoon pa rin— nandidilim na akala mo'y handang pumatay. "Yes! Nagseselos ako!" may sarkastikong sagot ni Elvin sa kaniya. Bakit ba nito kailangang magselos? May label ba sila ni Kevin para magselos ang hinayupak na ito? Nakakainit ng ulo! Selos na selos! "Bakit ka naman magseselos, ha? Hindi ko boyfriend number two si Kevin. Oo, Kevin ang pangalan niya at walang kami dahil kababata ko lang siya— kaibigan ko lang si Kevin," inis niyang sagot dito saka iniirap ang mga mata sa ere. Tumayo na siya at naglakad na palabas pero hindi pa man siya tuluyang nakakalabas, bigla nitong hinawakan ang kaniyang isang kamay at hinapit siya saka sinandal sa pinto. Galit, iyon ang nakikita n