bc

MARRYING THE HEIR'S DAUGHTER

book_age18+
467
FOLLOW
1.2K
READ
revenge
one-night stand
versatile
single mother
drama
bxg
multi-character
small town
betrayal
wife
like
intro-logo
Blurb

A 20 year old woman, Margarita lost her mom. Naiwan siya kasama ang kanyang amang si Don Miguel. Her dad changed and pinaglupitan siya nito araw-araw. Dahil sa kaniyang karanasan, iniwan niya ang kanyang ama kasama ang asawang si Victor. Nalaman ng kaniyang ama ang kanilang pagtangkang lumayas kaya pinatugis sila.

Dahil sa isang sunog, her husband died. The hatred she harbors for her father for the murder committed on her husband prevails. All the sufferings that she felt changed her life especially her perception about love. Vengeance ruled her heart that she thinks that this is the only way that will give her justice. Her loving mother, supportive husband and her dignity was taken away from her. She changed to the extent that she forgot her daughter.

Magiging kagaya kaya siya tulad ng kanyang ama? O Mananaig ang kabutihan sa kanyang puso?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chapter One "Margarita? Gising!" Nagising ako bigla nang tawagin ni Victor ang aking pangalan. Pawis na pawis ito at habol ang hininga habang tuliro ang mga mata nito. "Napadaan ako malapit sa inyo, tapos-," "Tapos?" galit kong sambit sa kanya. Natutulog ang buntis at gigisingin mo bigla? Nakaka-embyerna ka Victor. "Narinig ko sa mga tauhan nang iyong ama na natunton na nila ang ating bahay. Papatayin nila ako kung hindi kita ibibigay sa kanila!" Napahinto ako sa sinabi ni Victor. Ang kaninang galit ko na ekspresyon ay napalitan. Kabadong-kabado siya kaya alam kong paparating na ang mga tauhan ng aking ama. "Ano Victor? Dapat na tayong lumayas ngayon. Ayaw ko kay papa V-ictor, a-yaw ko!" nauutal na ako sa kaba. "Tumahan ka na aking mahal. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kita," pagtatahan sa akin ni Victor. This makes me insane! Hindi ko na alam kung ano ang tamang gagawin kapag mahuli ako ni papa. Nagsimula na kaming mag-impake ni Victor. Hingal na hingal ako sapagkat buntis ako. Pero hindi naman pwedeng hindi ko tutulungan si Victor baka mahuli pa kami. Mga ilang minuto rin ang aming pag-iimpake at nakarinig kami ng mga yapak nang kabayo sa may di kalayuan. Abot-abot ang kaba ko sapagkat nasisiguro kong mga tauhan ito ng aking ama. "Hali ka na mahal! Baka maabutan pa tayo dito ng mga tauhan ng iyong papa!" pukaw ni Victor sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nagmadaling lumisan sa bahay ni Victor. Alam kong kinakaya ito lahat ni Victor para sa kapakanan ko. Alam ko ding nasasaktan si Victor habang iiwan namin ang bahay niyang ito. Ito nalang ang natitirang pinamana ng kanyang pamilya sa kaniya. Dalawang palapag ang mansiyong ito.. Nagmadaling nilisan namin ang bahay na may lungkot at paghihinayang. Mga alaalang naiwan sa bahay na puno ng tuwa, away, lambingan at pag-uunawaan. Napaluha si Victor habang tiningnan ang kanilang tahanan sa may kalayuan. Ang sakit-sakit na makitang umiiyak ang iyong minamahal dahil nawalan sila ng bagay na mahalaga sa kanila. Pinagbabaril ang bahay ng mga tauhan ng aking ama at pagkatapos ay sinunog ito. "Aalis na tayo dito sa San Juan dahil matutunton lang din tayo ng iyong ama. Kaya pupunta tayo ngayong San Luis mahal. Kaya mo pa ba?" Pinatatag niya ang kaniyang boses habang tinatanong ako. "Okay lang ako mahal! Napagod lang sa paglakad-takbo natin. Alam mo ba ang daan patungong San Luis?" "Oo mahal, pero sa ngayon sa gubat muna tayo dadaan para hindi na tayo masundan." Papunta kami ngayon sa susunod na probinsiya, ang San Luis. Sasakay muna nang bangka para marating ang probinsiyang ito. Tinahak namin ang kagubatan patungong dalampasigan para hindi kami matunton ng mga sumusunod sa amin. Nagawa kong iwan ang aking ama sapagkat, mali mang sabihin pero nahihibang na ata siya. Parati niya akong pinapagalitan mapa-opisina man o sa bahay. Nagtataka ako sapagkat ginagawa ko naman ang lahat para sa ikakabuti ng kompanya. Napabayaan niya na rin ang kaniyang kalusugan. Araw-araw itong wala sa trabaho pati narin sa bahay sapagkat umiinom ito araw-araw. Mag-iisang taon na noong nilibing ang aking ina, ngunit hanggang ngayon ay ako palagi ang nabubuntunan niya ng sama ng loob. Di ko alam kung paniniwalaan ko ba ang kamatayan ng aking ina sapagkat namatay ito ng malunod sa rumaragasang ilog. Tinatanong ko rin ang aking ama kung bakit ito nahulog ngunit wala akong nakukuhang sagot. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ng aking ina sapagkat hindi ko ramdam. Hindi ko lang talaga matanggap na wala na siya. Ngunit nung akoy nagkanobyo ay doon na siya naging malupit sa akin. Pinagbubuhatan niya na ako ng kamay kung hindi ako nakikinig sa kanya. Alam kong hindi okay si papa, naiintindihan ko siya pero nakalimutan niya atang anak niya ako. Kasosyo sa aming business si Victor ang aking nobyo at ipapahiwalay kami sapagkat palugi na raw ang tinataguyod na hotel nito. Tutol ako sa gusto ng aking ama sapagkat mahal ko si Victor. Itataya ko ang tinataguyod kong kompanya at ang marangyang buhay mayroon ako, maipaglalaban ko lang si Victor. I don't know what's with dad. Okay naman ang hotel nila Victor. Sabihin man ni papa na maliit ito ngunit malaki naman ang mga achievements nito. Dad built this big company with his own hands. Alam kong pride ang nagpapa-iral sa kanya kaya niya nagagawa ito. Victor will always be the best man for me. Nandiyan siya palagi kahit man sa panahong wala akong masasandalan. Sariwa pa sa aking memorya ang pagmamalupit ni dad sakin. "Huwag na huwag kang lalabas sa kwartong ito! Maliwanag?" Dad locked me in my room. Wala akong nagawa kundi ang umiyak sapagkat plano ng aking ama na paglayuin kaming dalawa ni Victor. Nagdaan ang mga araw nandito parin ako sa loob ng aking kwarto nakakulong.  "Huwag kang mag-alala Margarita sapagkat wala ka nang Victor na babalikan. Wala na siyang maipagyayabang kaya tigilan mo iyang lintik na pagmamahalang yan!" Narinig ko nalang sa aking ama na pinull-out na nito ang shares sa hotel ni Victor. Gayundin ang ibang investor kaya tuloyan ngang nawala ang hotel sa kamay ng aking nobyo. Naawa ako sa kanya sapagkat wala ako ngayon sa kanyang tabi. Ulila na siya kaya alam kong mabigat ito para sa kanya. Parati akong nakadungaw at nagbabakasakaling mapadaan si Victor. Inaantay ko talaga si Victor sapagkat miss na miss ko na siya. Hindi ko din mawari kung bakit ako nahilig ng kape sa umaga. Bumabaliktad din ang aking sikmura kapag naamoy ko ang perfume ni papa. Nagtataka na din si papa kung bakit ako nagsusuka. Pinapapunta niya ang aming doktor para mapatignan ang aking kalagayan. Kinakabahan ako sapagkat alam ko naman talaga ang nangyayari pero ang aking ama ay hindi. Chineck-up na ako ng aming family doctor at confirmed na buntis ako. Isang malutong na sampal ang aking natanggap galing sa aking ama. Nabigla ang doktor sa aming harap kaya pinigilan niya ang aking ama. Ngunit, napagalitan ito ng aking ama at pinalayas. Sermon ang inabot ko sa aking ama. 'Bakit nga ba daw ako pumatol sa isang kriminal?' Natigil si papa sa kanyang sinabi sapagkat nadulas siya. Tinanong ko siya kung sino ang sinasabi niyang krimenal ngunit iniwan ako at nilock ang pintuan. "Sinong kriminal? Si Victor? Kaya ba galit siya palagi sakin dahil alam niyang kriminal ang aking nobyo?" Napaluha nalang ako sa aking nasaksihan galing sa aking ama. Iyak lang ang aking nagawa buong gabi hanggang nakatulogan ko ang aking iyak. Kinabukasan, nagising ako nang pagdalhan ako ng pagkain nang papa. Humingi narin siya ng patawad sa kanyang nagawa kagabi. Nagpaalam siya na mawawala ito ng tatlong araw dahil may aasikasuhin sa kompanya. Tango lang ang aking nagawa. Hindi ko maamin sa kanya ang totoo kong nararamdaman sapagkat alam kong pagbubuhatan lang niya ako. Para akong preso sa sarili kung kwarto. Tulog, gising lang kapag may pagkain, and worst umiiyak ng nakangiti. Miss ko na si Victor, ang mga yakap niya sa aking beywang. Ang pag-aalaga niya sa akin, hindi ko na kaya ito. Dapat ko siyang kausapin para kompirmahin kung totoo ba ang sinabi ni papa. Alam kong hindi yun totoo! Hindi! Maya't maya ay may kumakatok sa pintuan at sinawalang bahala ko ito. Alam kong snacks iyon pero busog pa ako kaya di na ako nag-abla. Kumatok ulit ito. “Pasok!”Nagulat ako dahil may yumakap sa akin galing sa likuran. Napabalikwas ako ng bangon sapagkat sino naman ang yayakap sakin maliban kay Victor? Biglang nag-uunahan ang aking mga luha sa pagbagsak. Akala ko kung sinong magnanasang yakapin ako maliban sa aking nobyo. Sa ilang araw na namiss ko siya, walang mapaglalagyan ang aking tuwa ngayong nandito na ang aking nobyo. Pinatahan niya ako at niyakap ko ito ng pagkahigpit. Ganoon din ang kanyang ginawa sa akin. Hindi ko mapaliwanag ang aking nadarama sapagkat marami akong gustong sabihin sa kanya. Kumalas ako sa yakapan namin at buong tapang na tinanong si Victor. "Kriminal ka ba?" Mabilis niya itong tinanggihan habang ang mata ay tuliro. "Bakit nasabi ni papa na kriminal ka daw?" "Bata pa ako noong nangyari ang pag-ambush sa pamilya ko. Sabi sa investigasyon, napatay sila dahil sa akala. Akala nang nag-ambush na ito ang target nila. Baka akala ng iyong ama ay napatay sila dahil kriminal ang aking ama," Isang luha ang kumawala sa mata at pinalis agad ito ni Victor. "Then? Ano na ang nangyari? Pinagbayaran ba yung mga kasal-anan nila? Sorry Victor kung pinagbibintangan ka ni papa," Tumingin si Victor sa akin at puno ng galit ang mga mata nito. "Oo pagbabayaran nila iyon sa tamang panahon! Okay lang naiintindihan ko siya," Naawa ako kay Victor. Naranasan ko na ding mawalan ng ina pero sa kanya, triple ang sakit. Nawala siya ng ama, ina at bunsong kapatid. Nabunutan ako ng tinik sa aking narinig dahil alam kong mabuting tao si Victor Hinalikan niya ang aking noo kaya napamulat ako. "Victor? May ipagtatapat ako, sana hindi ka mabibigla," sana namay maibsan ang poot sa dibdib ni Victor kung sasabihin kong buntis ako. "Ano iyon Margarita?" Kinakabahan ako. Panangutan niya kaya ako o tulad din siya sa ibang mga lalaki na tatakbuhan ang responsibilidad? "Margarita? Ano ang iyong sasabihin?" "Buntis ako," Kagat-kagat ko ang aking labi habang nakadungo. "Ano?" Iyon ang aking narinig sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang katulad rin siya sa ibang lalaki. Tatakbo lang din sa responsibilidad. "Nagsasabi kaba ng totoo?" Hindi ko na talaga mapigilan ang aking nararamdaman. "Pak!" Doon na ako nagkalakas na tumingin kay Victor. Bakas sa mukha nito ang gulat. Iniisip niya sigurong hindi ko magagawa sa kanya iyon? Nagkakamali siya! "Nagmamahalan tayo ngunit hindi ibig sabihin, na hindi kita kayang saktan kapag nasasaktan na rin ako!" Bumuhos ang aking mga luha. Tears are the best way to describe what I really feel right now. "Lumabas ka na Victor baka maabutan kapa ng aking ama," Mahinahon kong sambit at tumalikod. I can't contain myself right now. Ngayong magkaka-anak na ako, iiwan naman ako ng magiging ama. Sino pa ba ang mahihingan ko ng tulong kung pati mga kamag-anak ko hindi ko kilala. "Margarita," mahinahon niyang sambit sa aking pangalan. Nanunuot ito na parang bibigay ka sa kanya at huhiingi ng pasensya. Natigil ako sa aking iniisip at tinatagaan ang loob. Humarap ako sa kanya and showed a blank face. "Akala ko nakaalis ka na Victor? Baka maabutan ka pa ni papa," Pekeng ngiti ko nito. Mukhang galit ito dahil nagdilim ang mga matang tinitingnan ako. "Bakit mo ako sinampal Margarita?" Naipit ata ang aking dila sapagkat hindi ako makapagsalita. Ang lamig ng kaniyang boses habang binibigkas ito ng mahina ngunit may diin. "Nararapat lang iyon saiyo Victor!” There! Akala ko napipi na ako. "Tinatanong ko kung bakit Margarita. Deserve ko ba talaga ang sampal mo Margarita kung hindi mo man lang ako papakinggan?" Napipi na naman ako. Bakit ang dami-dami nang sinasabi? Sasampalin ko na naman sana siya ngunit nahawakan niya ang aking braso. Malakas ang kanyang pagkakahawak kaya ako napatigil. "Isa pang sampal Margarita at hindi na talaga ako makapagtitim-." "Ano? Sasaktan mo ri-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin. Hinalikan niya ako ng dahan-dahan. Sumuko na ako at lumaban ng halikan. Hingal na hingal kami pagkatapos ng halikan habang magkadikit ang aming mga noo. "Parusa mo 'yan kasi di mo ako pinapakinggan." "Ba't mo ako hinalikan Victor?" "Parusa mo nga!" "Nagkasala ba ako? Hindi naman ah? Ikaw nga itong tinatakbuhan ang responsi-" "Sinong may sabi sa iyo Margarita na hindi kita paninindigan?" "Iyon naman talaga diba? Karamihan talaga sa inyo ay tinatakbuhan ang responsibilidad,” "Hayst! Margarita, mahal na mahal kita. Ganyan ba ka babaw ang pagmamahal ko sa iyo? Hali ka nga rito." Hindi ako nakagalaw kaya niyakap niya ako. Hinalikan niya ang aking noo, ilong, at pati narin ang aking mga labi. "Kailanman ay di kita tatakbuhan Margarita. Ngayon pa na magkaka-anak na tayo. Nabigla lang ako kanina kaya ganoon ang aking reaksiyon. Ikaw naman." Napahagulhol ako ng iyak sa tuwa. " Akala ko kasi iiwan mo na ako. Nabigla ka kasi akala ko di mo ako panangutan," " Huwag na huwag mong kalilimutang mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para lang sa iyo." At napanatag na nga ako sa mga bisig ni Victor. "Pero, paano ang papa? Tutol siya sa atin Victor. At siya rin ang pakana kung bakit bumagsak ang hotel mo Victor." " Narinig kong kinukulong ka raw ng iyong papa dito?" Hindi siya sumagot sa aking mga katanungan. Matiim niya akong tinitingnan habang tinatanong sa akin iyon. "Totoo ba Margarita?" Isinalaysay ko sa kaniya ang pagmamalupit ng aking ama. Nagtagis ang kanyang bagang habang pinapakinggan ito. "Kaya, Victor? Nagmamakaawa ako sa iyong itakas mo ako dito. Hindi ko na kaya ang pagmamalupit ni papa. Madadamay pati ang ating anak." "Magagalit ang iyong ama kapag itatakas kita dito. Kakausapin ko muna siya na sa bahay ka muna maninirahan, para maalagaan kita." " Pero Victor, hindi iyon papayag. Noong nalaman ng papa na ako ay buntis nagalit siya sa akin." Naninimbang na tinitingnan ako ni Victor. Kalaunan ay napapayag ko siya at tinulungan niya akong mag-impake ng mga gamit. "Victor? Paano ka nakapasok dito? Wala bang bantay sa baba?" " Tinulungan ako ni manang Abel para makapasok dito. Nasabi niya kasing umalis ang iyong ama kaya pumunta narin ako." Nahinto ang aming usapan nang may kumatok sa pintuan. "Sir Victor? Bilisan niyo po diyan baka maabutan ka na nang mga bantay," " Opo manang Abel!" " Halika na Victor! Bilisan natin baka di na tayo makakatakas dito." Pinagbuksan ako ni Victor at nagulat si manang Abel dahil may dala akong maleta. "Senyora, saan po kayo papunta?" "Manang Abel aalis muna ako dito. Alam kong magagalit ang aking papa ngunit kailangan ko itong gawin para sa aking kapakanan at ng aking magiging anak." "Naiintindihan kita senyora. Naway gabayan kayo saan man kayo naroroon. Sige na baka babalik na ang mga bantay. Mag-iingat kayo." Bago pa kami nahuli ng mga bantay ay nakalayo na kami. Hingal na hingal kami sapagkat tinahak namin ang kagubatan papuntang menteryo. "Sigurado kaba Victor sa dadaanan natin?" " Oo Margarita. Huwag kang mag-alala nakadaan na ako rito." Papunta kami ngayon ni Victor sa puntod ng aking ina. Gusto kong madalaw muna siya bago ako maninirahan sa bahay ni Victor. "Nandito na tayo Margarita. Bakit bukas itong tarangkahan ng puntod?" Makikita sa loob ang bagong bulaklak at nakasindi pang mga kandila. Palaging malinis ito sapagkat dinadalaw ito ng mga katulong upang linisan. "Baka dinalaw to kanina nila manang pero bakit di nila sinara ito? Makakalimutin na talaga sila manang." Pinuntahan ko ang puntod ng aking ina para makapagpaalam. Nagsisimula na namang bumigat ang aking dibdib "Ma, ito po pala si Victor. Nobyo ko po, gwapo no? Siyempre ma, maganda din kaya tong anak mo. " Napaluha na talaga ako. Di ko na kayang pigilan ang bugso ng aking damdamin. "Ma? Nandito po ako kasi magpapaalam po ako. Pupunta po ako sa bahay ni Victor para maalagaan ako ng husto." " Si papa po kasi-" Naalala ko na naman si papa. " Palagi po akong pinapagalitan simula ng nawala ka. Tapos lumubha pa ng nagkanobyo ako. Siya nga pala ma, magkakaapo na po kayo. Huwag po kayong mag-aalala ma kasi dadalaw kami dito pag okay na ang lahat." " Tita, huwag kayong mag-aalala kasi mahal ko ang iyong anak. Gagawin ko ang lahat maprotektahan at mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi man mayaman sa salapi, mayaman naman sa pagmamahalan. Kaya tita? No worries handa kong pakasalan ang anak mo, ano mang oras." " Ano ka ba? Nakakahiya ka. Anong kasal ka diyan?" Kinikilig kong sambit. Ano ka ba Victor kung yan ang gusto mo. Kahit simple lang, matali lang sa iyo, go ako. "Haha! Totoo naman Margarita. Sasaan paba kung sa simbahan lang din naman ang tuloy?" "Ang dami mong baon. Sige na ma. Pumarito na kami baka mahuli pa kami ng mga tauhan ni papa. I live you ma. Miss na miss na miss na kita." Narating na namin ang mansiyon ni Victor at ang laki nito. Dalawang palapag ang mansiyon at maraming halaman. " Halika na baka makita pa tayo ng iyong ama." Huminto si Victor sa paglalakad at dinukot ang cellphone sa bulsa. May kinalikot siya dito at itinapat ito sa tenga. "Hello Daniel? Kumusta pare? Okay lang naman. Ikaw? Ah, oo kasi ano, hindi ka ba busy ngayon? Oo sige sige. Salamat pare." " Sino iyon Victor?" " Wala kaibigan ko lang. Maligo ka muna." " Ikaw? Di ka pa ba maliligo?" " Bakit? Okay lang sa iyo na kasama tayong maliligo?" " Tseh! Hindi iyan uubra sa akin Victor!" Irap ko dito at pumunta na sa kwartong tinutukoy niya. Naligo ako agad kasi ang lagkit ko na. Tiningnan ko ang kabuoan ng kanilang bathroom at maganda naman iyon. Touches of gold and black mostly ang mga fixtures dito. Tas yung bathtub ay malapit sa malaking bintana kung saan natatanaw mo ang naggagandahang mga tanim at puno. Habang pinagmasdan ko ang mga naggagandahang tanawin, may kumakatok sa pintuan. "Nahanda ko na ang susuotin mo Margarita, nilagay ko na dito sa kama." " Salamat Victor, tapos naman din ako dito." " Sige iiwan ko lang dito." Umahon na ako sa bathtub at nagtapis ng tuwalya. Pagkalabas ko ay natuon agad ang atensiyon ko sa damit na nakalapag sa kama. Dahil sa excited akong suotin ito ay isinuot ko na ito agad. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Ang ganda nitong off-the-shoulder dress parang ikakasal pero pwede din mangungumpisal akong ulit. Bale dirty white siya, tas long sleeve na maluwag pero kita yung shoulder ko. Natutuwa ako kasi lumaki ang cleavage ko. Tas hulmang-hulma talaga ang aking bewang sapagkat hapit na hapit ito sa aking katawan. Below the knee yung saya tsaka mabuklad ito kaya nasasabi kong papasa itong damit para sa pangungumpisal. Nakarinig ako ng kakadating na sasakyan kaya pumunta na ako sa baba kasi naliligo pa din si Victor.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.8K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

Dangerous Spy

read
299.6K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook