SPG-MATURE CONTENT BILLIE MABILIS akong nagmartsa papalapit kay Damian. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib saka pumuwesto sa gilid nito. "Are you done? Can we talk?" bungad ko sa kanya. "Not yet, Agápi mou," tugon niya habang hindi tinatanggal ang tingin sa kanyang laptop. Ilang saglit lang ay bumaling ito sa akin saka nagsalita. "I'm sorry. I know I told you it would only take an hour, but my work takes longer than I was expecting." Masuyo nitong hinapit ang aking baywang papalapit sa kanya. Nahigit ko ang aking hiningan nang walang babala nitong ibaon ang kanyang mukha sa aking tiyan. I felt his heavy breathing against my belly. "Damian..." mahinang tawag ko rito. "Stay..." pabulong nitong tugon, "...even just for a while." "What's wrong? Ayos ka lang ba?