INILAYO ni Juvy ang kaniyang sarili kay Cold. Pinahiga niya ito sa sofa at binigyan ito ng kumot. Lasing na lasing ito at hindi niya alam kung totoo ba ang sinabi nito sa kaniya. Nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at nagsuot ng damit pantulog niya. Muli niyang binalikan ang binata na mahimbing na natutulog. Umupo siya sa tabi nito at saka tinitigan ito sa mukha. Hindi niya napigil ang sarili na haplusin ang buhok nito at dantayan ang guwapong mukha ng binata. Hinagod ng kaniyang daliri ang ilong nito. Nagtagal ang kaniyang tingin sa mga labi nito. Para siyang namamagneto na ilapit ang mukha sa binata. "Rita... Ri-Rita..." Inilayo niya ang sarili at bumuga nang malalim. Mahal pa rin nito ang kaniyang kapatid. "Pinaglalaruan mo ba ako Cold?" mahina niyang tanong habang malungkot na nakat