PAULIT ULIT na sumasagi sa isipan ni Tanya yung mga sinabi ni Sixto dalawang araw na ang nakakalipas. Nag-usap naman sila kinaumagahan noon pero hindi tungkol sa katagang binitiwan nito sa kanya. Inalam lang nito ang dahilan kung bakit ayaw pa niya magpakasal at sinabi naman niya lahat. She stated everything honestly and didn't let that day end without addressing all of their issues. Sa ngayon okay naman sila lalo na kapag kaharap ang mga bata pero kapag wala ang mga ito, ramdam na ramdam niya ang pag-iiba. "Ms. Tanya, may gusto ka pa po bang idagdag?" tanong na hindi niya alam kung para saan. Alam niyang kasama niya si Kindel sa office pero hindi naiintindihan ang mga sinasabi nito. Kindel discussed in front of her the financial report that she asked after their meeting Alfred. "Ms. Tany