PINUNO ni Tanya ng hangin ang kanyang dibdib bago bumaba sa sasakyan ni Sixto. Ito na iyong araw na haharapin niya ang kanyang ama at sasabihin dito ang tungkol sa kasal. Hindi na nila sinama ang mga bata at iniwan na lamang sa kapatid ni Sixto. Hindi din dapat sasama si Sixto ngunit pinilit niya dahil baka 'di niya ituloy ang pagpunta at pagharap sa mga magulang. Isa pa ayaw niyang makita ng mga anak nila ang kalagayan ng kanyang ama. “Ready?” tanong na pumukaw sa kanya bigla. Ngumiti siya ng tumayo sa tabi niya si Sixto. Ginagap nito ang kamay niya na pumawi ng bahagya sa kabang nararamdaman. “I think so. Parang pinipilit ang bituka ko at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko,” He laugh at her. “Common on, Tanya. Matataas na tao nakaka-usap at hindi ka kinakabahan tapos mga magu