"FIRST you'll greet him then introduce Aicel. Gano'n lang gagawin mo kaya h'wag kang kabahan, okay?" Tanya said to him as he pull over his car inside their family house's garage. Four years niyang hindi kinausap ang papa niya kaya kinakabahan niya ngayon. Paano kung mauwi sa pagtatalo ulit? Sinabihan pa naman siya ng mga kapatid niya na h'wag na ito patulan. Ngunit ito naman ang nagsara ng pintuan sa mga eksplanasyon niya noon hanggang ngayon. Nauna itong bumaba kasama si Aicel ngunit hindi muna lumakad papasok. Hinintay pa din siya nito na makababa ng sasakyan. Malalim siyang napahugot ng hininga bago tuluyang lumapit sa mag-ina niya. Nagpabuhat sa kanya si Aicel saka sinandig ng anak ang ulo sa balikat niya. Buong biyahe itong tulog pero inaantok pa din kaya hindi gaanong makulit. "Ca