"MOMMY! Daddy!" sigaw ni Aicel pagkakita sa kanila ni Tanya. Patakbo itong lumapit saka nagpakalong sa kanya. Pinugpog nito ng halik ang magkabila niyang pisngi. He passed Aicel to Tanya afterwards and walked towards his sisters. Sinalubong niya ang mga makakahulugang tingin ng dalawa na kinailing naman niya. "Kamusta ang solo trip niyo?" tanong ni Quincy sa kanya. "Ayos naman. Salamat sa pag-aalaga sa anak ko," tugon niya dito. "Tama si ate Una, ang cute at ang daldal ni Aicel. Manang mana sa 'yo kuya," komento naman ni Seven. "Kayo na ba ulit ni ate Tanya?" "Hindi pa. Konting suyo pa at makukuha ko na din uli," "Hina mo na naman. Fourth day niyo na dito sana naman bago kayo umuwi bukas ay may progress na." Paalala sa kanya ni Quincy. Nabaling ang tingin niya