SABADO at nasa labas silang mag-ina dahil nasama sa rotational brownout ang condominium building na tinitirhan ni Sixto. Sobrang init pa naman ng panahon kaya nagdemand siya na umuwi muna sa bahay niya kapag wala pa din kuryente sa gabi. Baka magkasakit si Aicel kapag natuyuan ng pawis at mahirap magpaypay lalo't hindi naman sanay ang anak niya sa gano'n. Masyadong magastos kung mag-ho-hotel sila kaya at sinabi niya iyon kay Sixto. Kaso may topak ito at ayaw sila payagan unless isasama niya ito doon. Issue pa din dito ang pagpunta doon ni Jeron kaya ayaw nito pumayag na magstay sila doong mag-ina. Ayaw naman niyang makigulo sa bahay ni Alfred kaya isa pang naisip niya ay sa bahay ng tita Letty niya. Doon baka payagan na sila ni Sixto dahil walang hindi kilala ng tiyahin ang nakakapaso