MALALIM na huminga si Tanya habang inikot ikot sa palasingsingan niya yung engagement ring na bigay ni Sixto sa kanya. Ngayon niya balak sabihin dito na payag na siya magpakasal dito ng bukal sa puso at isipan. Gusto niyang gawin iyon bago 'man lang ito pumasok at makabalik ang mga bata sa bahay nila. Yung weekend stay kasi ng mga anak nila sa bahay ng tita niya'y na-extend dahil sembreak naman at nakaya nitong alagaan ang tatlong bata. Nag-isip siya ng magandang sabihin kay Sixto bago ipakita dito na suot na niya ang singsing. Inagahan niya talaga ang gising para doon kaso hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa din siyang naiisip na magandang sabihin. Naiinis na siya sa sarili na naman niya dahil wala 'man lang siyang nikatiting na ka-sweet-an sa katawan. Bahala na nga lang... aniya sa