Kabanata III | Gumuho Ang Mundo

1607 Words
"You're such a nagging b***h! Umalis ka na! Hindi kita minahal, Faith. Panakip-butas ka lang!" Nanlumo si Faith ng marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Danny. Hindi siya nag-atubili. Lumagapak ang mga kamay niya sa pisngi ni Danny. Mag-asawang sampal ginawad niya rito. "Danny, bakit? Binigay ko sayo ang lahat! Ang lahat lahat. Sinuko ko ang pangarap ko para sabay nating abutin ang pangarap mo. Tinanggihan ko ang pagkakataon magkapagaral sa New York dahil sabi mo . . . h-hindi mo kayang wala ako sa tabi mo. T-tapos p-panakip-butas-mo-lang-ako?!” “Faith, umalis ka na. Hindi mo naintindihan. Please, leave.” "Don’t push me away! Don’t worry aalis ako. Mag-sama kayo ng kabit mo! Bakit Danny? Magaling ba siya sa kama? Sapat na ba ang pagsiping niya sa’yo? My god Danilo! s*x lang naman ang hindi ko pa naiibigay sa’yo,huh? Masama bang hindi ko iyon ibigay hanggang ikasal tayo? Danny, hindi ka nagtanong. K-kahit minsan you never asked me to do it with you. I-ibibigay ko naman kung hiniling mo," sumbat ni Faith kay Danny habang humihikbi. Faith wipe her tears na hindi niya alam kung bakit hindi matatapos ang pagdaloy ng maalat na tubig sa kanyang mga mata. "Umikot ang mundo ko sayo. Tinalikuran ko lahat para sayo. Ilang taon akong naging alalay mo. Sa bawat practice mo gusto mo kasama mo ako. Taga-abot ng tuwalya. Taga-abot ng tubig. Taga-bitbit ng bag mo. Ako ang naging dakilang personal assistant mo. Pinagsilbihan kitang parang yaya mo. Ginawa na nga akong katulong ng mga barkada mo. May narinig ka ba sa akin? Nag--reklamo ba ako? I neglected my friends because of you. Ako naglalaba ng damit mo. Ako nagluluto ng pagkain mo. Ako ang nagliligpit ng makalat mong kwarto. Taga-gawa ng project at assignment mo. Tapos panakip-butas mo lang ako?" Pinahid ni Faith ang mga luha at sipon na naghalo na sa mukha niya. Habang si Danny ay pinagbihis si Candice. Hindi niya alam kung paano ba ipapaliwang ang sakit na nararamdaman niya. Sa oras na ito gusto niya na lamang maglaho. Kung kailan graduation na nila. Aakyat na sila sa intablado sa Sabado. Ilang araw na lamang ay luluwas na sila ng Maynila. Sobrang sakit ang nararamdaman ni Faith. Sakit sa kaibutaran ng kanyang puso. She wasted too much time with Danny for nothing. She did not experience a happy senior year dahil ang gusto ni Danny ay parati silang magkasama. Okay naman ‘yon sakanya dahil ang akala niya mahal siya ni Danny. Pero ngayon she was just a patch. Matagal na pala siya nitong niloloko. "Matatanggap ko pang sabihin mong hindi mo ako mahal. Hindi mo ako kailanman minahal. Matatanggap ko pang kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Pero panakip-butas? Sinong ginagago mo Danny? Kahit mga magulang natin hindi tutol sa relasyong ikaw ang may pakana. Kung sana hindi mo na lang ako niligawan eh di sana masaya ako ngayon kasama sa Zed. May nalalaman kapang pamamanhikan. Nangako ka pa sa harap ng mga magulang natin. Sana hindi mo na lang ginulo ang buhay ko! Pinagsisihan kong tinawalaan kita. Pinagsisihan kong ikaw ang minahal ko. You don’t deserve my love. I don’t deserve you!” Hinubad ni Faith ang singsing na sinuot ni Danny sa kaniya na ni minsan ay hindi niya tinanggal sa kanyang mga daliri. Sabi kasi ng nanay niya ay ‘wag tatanggalin para hindi sila mag-away ng nobyo at habang buhay sila magsama. Hindi naman pala totoo ang pamahiing iyon. Malakas at walang pakundangan ibinalibag ni Faith ang singsing sa mukha ni Danny. " ‘Yan ang singsing mo. Napaka sinungaling mo. Manloloko! Nasusuklam ako sayo. Itong tatatandaan mo Danilo dahil habang buhay ay gugulohin ka at hindi ka patatamikin ng konsensiya mo. Balang araw ang Dios mismo ang magbibigay ng parusa sainyo. Mga taksil! Imoral! Mag-sama kayo sa impyerno!" "Faith, bakit ka ba nagsisigaw, anak?" takang tanong ng Ninang Alina ni Faith. "Itanong niyo ho diyan sa gago niyong ampon, Ninang Alina. Pinagsisihan kong pinilit ko kayong amponin siya. Hindi sana ako nasasaktan ngayon. Alis na ho ako." Nakasalubong ni Faith ang Ninong Solo niya sa labas ng gate ng mga Pedrera. "Anak. Bakit namumugto ‘yang mga mata po?" "’Di ba Ninong Solo sabi n'yo ikaw mismo bubog kay Danny kapag sinaktan niya ako? Simulan n’yo na ho ninong dahil manloloko ang anak niyo!" Patakbong umuwi si Faith sa bahay na katabi lamang ng bahay ng mga Pedrera. Magkatapat ang bintana ng kwarto nila ni Danny kaya rinig na rinig ni Faith ang sigawan sa kabilang bahay. Puro 'sorry' at 'hindi ko sinadsadya' ang naririnig niya sa bibig ng nobyo. Nakatalakbong siya ng paboritong kumot na pranela habang humahagulgol. Mag-isa lang siya sa bahay dahil lumawas ng Maynila ang kaniyang mga magulang para umattend sa teacher's conference. Mga guro ito sa publikong kolehiyo sa kanilang probinsiya sa Morong. Magdamag siyang umiyak at pinilit mawala ang sakit sakanyang dibdib. Narinig niya pa ang pagwawala ni Danny sa labas ng gate nila. Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya at humihingi ng tawad sa nagawa. Subali't hindi niya nagawang lumabas ng bahay o kumain man lang. Nanghihina na siya sa sobrang sama ng loob. Kinagabihan ay dumating ang kanyang magulang at nagulat sa itsura niya. "Anak, anong nangyari sayo?" awang-awang tanong ng nanay ni Faith. "Niloko ho ako ni Danny, Nay. Nahuli ko siyang nakikipagtalik kay Candice." "Ano?" gulat na wika nito. "Sabi ko sainyo nay, tay. Gagawin lang akong rebound ni Danny." "Anak, patawarin mo kami ng nanay mo. Hindi namin inakalang magagawa ni Danny na pagtaksilan ka,” malumanay na turan ng tatay ni Faith. "Tay, nagawa niya na. Ang sakit-sakit. Minahal ko siya higit sa sarili ko. Binuhos at binigay ko sa kaniya ang lahat-lahat." Niyakap siya ng mga magulang. Lumabas ng bahay si Ruben at sinugod si Danny sa kabilang bahay. Hinabol ito ni Faith at sinabing pabayaan na lamang ang binata dahil wala nang magbabago pa. Nasaktan na siya. "Nay, gusto ko sanang pumunta muna roon kay Aunty Trini sa Zambales. Doon muna po ako. Hindi ko ho kakayanin ang kahihiyan. Hindi ko na kayang makita pa si Danny, Nay." "Malapit na ang graduation mo anak. Pagkatapos na lamang saka ka umalis." "Nay, practice na lamang naman ho. Tapos ko na lahat ng kailangan sa eskuwela. Nay, payagan n’yo na ako." "Faith! Aakyat ka sa enteblado at isasabit namin ng tatay mo ang medalya mo. ‘Wag kang magpakatanga dahil lamang nasaktan ka. Makailang ulit rin akong nabigo sa pag-ibig subali't ni minsan ay hindi ko naisip na magpakalugmok dahil sa pagmamahal." Natigil ang pag-uusap nila ng nanay niya ng marinig ang tatay niya na nakikipagsigawan sa labas. Iyon ang unang pagkakataon na nagalit ang tatay Ruben niya. Mabait ito at sobrang malumanay ito magsalita. "Tarantado kang bata ka!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Ruben sa mukha ni Danny. "Pinagkatiwala ko sayo ang anak ko. Ikaw ang nakiusap sa amin ng mga magulang mo na maging katipan ang anak ko. Tapos ano? Gagawin mong panakip-butas? ‘Di ba tinanong kita? Ang sabi mo sigurado ka. May pasumpa-sumpa ka pa. Sinira mo ang tiwala ko sayo." "Tay Ruben, hindi ko po sinasadya. Lasing ho ako. Hindi ko ho sinasadya ang mga nasabi ko kay Faith." "Lasing? Lasing ka habang nakikipagtalik ka sa ibang babae? Lasing ka? Lasing ka lang kaya pala mas pinili mo yang p*tang babae yan kaysa sa anak ko? Kukuha ka lang naman ng ipapalit sa anak ko, mababang uri pa ng babae. Danilo,kalat sa sitio at sa eskuwelahan n’yo kung paano nagpapalit-palit ng lalaki ang babaeng ‘yan. Akala ko pa naman matalino ka. Responsable. Ang laki mong gago. Ang bobo bobo mo dahil pinakawalan mo ang anak ko. ‘Wag na ‘wag kang lalapit sa anak ko dahil baka mapatay kita." "Tatay Ruben! Patawad po,” pilit na lumapit si Danny kay Ruben ngunit dinuro siya nito. "’Wag mo akong matawag-tawag na tatay. Wala akong anak na taksil at manloloko! Kailanman hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko." "Ruben! Tama na yan. Pumasok ka na sa loob. Bugbogin mo man si Danny hindi pa sapat para ibsan ang sakit na nararamdaman ngayon ni Faith." Nakatayo si Faith sa may gate ng kanilang bahay. Patuloy na umagos ang mga luha sakanyang mga mata. Naawa siya sa itsura ni Danny subalit mas kaawa-awa siya. Gumuho ang mundo ni Faith pati ang kanyang pangarap na maikasal kay Danny. Mahal na mahal niya ang binata ngunit kahit kailan ay hindi na mawawala ang sakit ng pagtataksil nito sakanya. Naglaho ang tiwala niya dito. Tumakbo si Danny papalapit sakanya at yinakap siya. "Patawarin mo ako palangga. Hindi ko sinadsadya." "Hindi mo sinasadya na sabay mo kaming mahalin ni Candice or hindi mo sinadyang sabihing mahal mo siya?" "Wala ako sinabing mahal ko siya." "Hindi ako bingi Danny. Dahil habang sarap na sarap ka at kahalikan mo siya rinig na rinig ko ang pag- I love you mo kay Candice." "Faith, please." "Faith please what? Ano? Patawarin kita? Pinaalis mo ako ‘di ba? Panakip-butas mo lang ako. Hindi mo ako mahal. Huli na para bawiin ang nasabi mo na. Tapos na tayo Danny. Tapos na!" "Faith! Palangga, patawarin mo ako." Lumuhod si Danny sa harapan niya at yinapos siyang sobrang higpit. Hindi na siya kumibo pa. Pilit niyang inalis ang mga bisig nitong nakapulupot sa mga biniti niya. Hanggang sa bitawan siya nito. Tinalikuran niya sa Danny. Kasabay ang pagtalikod sa pag-ibig niya dito. Kinabukasan kahit hindi pumayag ang mga magulang ay lumuwas siya papuntang Zambales. Tangan ang bag na may lamang mga damit at ang konting ipon niya na pambili sana ng Go Pro camera na gusto ni Danny. Iyon dapat ang regalo ang graduation gift niya para sa nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD