Nagmamadali si Sister Luna lumabas sa hospital kung saan dinalaw niya ang batang si Ezekiel. Bigla na lamang hinimatay si Eze sa hindi malamang dahilan. Kaya't isinugod nila ito sa hospital. Si Eze ay ang batang iniwan ng dalawang matandang mag-asawa sa kapilya ng Gift of Love Monastery siyam na taon na ang nakakalipas sa Maynila. Ang monastaryo kung saan si Faith ay pansamantalang nanunuluyan habang nag-aaral. Iyon ang araw na tinanggap si Faith sa kaniyang napililing bokasyon.
"Sister, uuwi na ho kayo?" tanong ng head nurse na si Hope.
"Babalik na lang ako mamaya, Hope. May kailangan lang akong asikasuhin sa orphanage,” paliwanag niya sa head nurse.
Ngunit ang totoo ay nakita niya si Danny na pumasok sa ward kung saan na nakaconfine si Eze. Hindi akalain ni Faith na matapos ang isang dekada ay magkukrus pa rin pala ang landas nila. Nakaputi itong roba at may stethoscope na nakasabit sa leeg.
"Hope, Kilala mo ba ‘yong doctor na pumasok sa ward ni Eze?"
"Ah, Sister Luna si Dr. Schumer. Daniel Seth Schumer. Volunteer pediatrician galing Amerika. Ang usap-usapan eh bilyonaryo raw at may ari ng aviation at shipping lines. Bakit sister Luna? Kilala n'yo ho ba?"
Nagpalit na pala ito ng pangalan at hindi na Danilo Pedrera.
"Hindi. Hindi ko siya kilala. Regular daily volunteer ba siya dito? Kung bilyonaryo,eh, bakit nag-volunteer raw dito?" Pagkakaila ni Faith sa nars.
"Hindi sister. Isang beses sa isang linggo lang. Sa katunayan doctor siya ni Eze. Kakaumpisa niya pa lamang noong isang buwan. Ang usap-usapan ay may hinahanap raw si Dr. Schumer kaya naglilibot sa iba't ibang hospital. Nag-sponsor rin raw ng mga orphange sa buong bansa. Alam mo sister Luna kung hindi ka lang madre eh bagay na bagay kayo."
"Ano bang biro ‘yan Hope. Hindi pa ako ganap na madre pero alagad ako ng Dios at hindi ko ‘yan naiisip,” turan ni Faith. Magtatagal raw ba rito?"
"Hindi ko alam Sister Luna. Marahil hindi. Napagalaman ko mula sa driver niya ng mausisa ko noong isang araw. Malaki raw ang negosyo nito na nakabase sa Amerika. Kaya pansamantala lang raw na nandito sa bansa. Sana magtagal pa bago niya mahanap kung sino man yang hinahanap niya. Para matagal pa namin siyang makasama rito."
Biglang nataranta si sister Luna sa ideyang baka magtagal nga ito sa Pilipinas. “Sino kaya ang hinahanap ni Danny? Ako kaya? Bumalik ba siya para sa akin? Faith hindi maari ang naiisip mo. Matagal mo na siyang nilimot.” Usal ni Faith sa sarili.
"Mabuti at may mga tao pang katulad niya sa kabila ng yaman ay marunong pa rin makipag-kapwa tao."
"Tama ka sister. Kasundo nga ho ni Eze si Dr.Schumer. Nagkukulitan sila kanina. Kung hindi lang galing sa ampunan si Eze eh para silang pinagbiyak na bunga. Dinalhan pa nga ho ng laruan at mga damit si Eze. Para silang mag-ama sister."
"Mag-ama?" Hindi alam ni Faith kung saan nanggaling ang kaba sa dibdib niya. Parang nabalisa siya sa pagkarinig na mag-kasundo si Eze at Danny. Dahil mailap si Eze sa mga tao." Oh, s'ya mauna na ako. Babalikan ko si Eze mamaya."
Tanging siya lamang ang gustong kausap at kasama ni Eze. Kaya nga kahit saan siya magpunta ay bitbit niya ang bata. Mabuti na rin lang at naintindihan ng mga madre ang kondisyon sa pagiisip ni Ezekiel. Eze has fear of social interaction o Social anxiety disorder. Social Phobia. Mas gusto ni Eze mag-isa kaysa makipaghalobilo o makipaglaro sa mga bata sa ampunan.
Palabas na sana si sister Luna ng nurse station ng mapako ang tingin niya sa matipuno at gwapong doctor na kalalabas lamang ng pedia ward. Nagkatinginan sila at para bang tumigil ang kanyang mundo. Kapansin-pansin ang pulang balat nito sa sentido kahit malayo. Palantandaan na si Dr.Schummer ay ang dating nobyong si Danny.
Naalala ni Faith ang lahat ng nangyari isang dekada na ang nakalilipas. Akala niya ay nakalimutan niya na ang pait at sakit sa kanyang dibdib. Hindi pala. Titig na titig ito sakanya na para bang sinisino siya. Malakas ang sigaw nito ng pangalan niya.
"Faith! Faith! F-faith wait up! Faith Angelie Contreras!"
Matapos marinig ang dating pangalan ay nagmadali si sister Luna na pumasok sa elevator. Narinig niya pa ang makailang ulit na pagsigaw nito sa dati niyang pangalan. Nagmadali siyang pumunta sa parking lot at nagdrive pabalik sa orphanage kung saan pinili niyang manatiling manirahan dahil sa batang si Eze. Gamit niya ang service van ng orphanage dahil daraanan niya pa ang donation na pagkain na galing sa grocery store ng mga Soler.
Kung hindi lang dahil kay Eze ay tinanggap niya na ang madistino sa ibang lugat. Ngunit napamahal na si Ezekiel sakanya at inaayos na rin ng mga magulang niya ang pag-ampon sa bata. Ayaw ni Faith mapunta sa ibang pamilya si Ezekiel dahil anak na ang turing niya rito simula ng unang araw nito sa bahay-ampunan. Sakitin ang bata kaya walang ni isang prospect parents ang nagkakainteres na ampunin si Eze kahit na nga ang gwapo-gwapo nito. Idagdag pa ang social anxiety disorder ni Eze. Kaya nahihirapan i-match ng adopted parents. Bughaw ang mga mata,mistisohin at meron kapansin-pansin na crescent moon birth mark sa batok nito.
Pakiramdam ni Faith ay may dahilan ang Dios kung bakit napunta sakanyang kamay si Ezekiel. Batid niya sa sarili na isang mission ng Dios na alagaan niya ang bata. Noong sanggol pa lamang si Eze wala ni isang madre o volunteer sa ampunan ang nakakapatahan dito maliban sakanya. Mabuti na lamang at sanay siya mag-alaga sa mga bata dahil sa madalas nilang pagbisita ng pamilya sa bahay-ampunan.
Gumulo sa isip niya si Danny. Paano ito napadpad dito sa Zambales? Sa dinarami-rami ng ospital eh dito niya pa talaga naisipang mag-volunteer. At kung bilyonaryo na nga ito ay bakit mag-titiyaga ito mag-rounds sa mga pasyente isang beses isang linggo. Napag-alaman niya rin kay Hope na kasali rin ito sa mga medical missions at sponsor rin ng Love Thy Child orphanage. Hindi malayong magkita silang muli sa paglipas ng mga araw.