Chapter 28 Third person's POV MALAKAS na sigaw ang bumalot sa bahay nina Conor at Kia. Manganganak na si Kia sa pangalawang anak nila ni Conor. Hindi malaman ni Conor ang gagawin natataranta ito. Hindi malaman kung hihingi ba ito ng tulong o tatakbuhin ang asawa na nasa kanilang kuwarto. Binuhat ni Conor si Kia at itinungo sa kotse. Habang si Kia naman ay namamalipit sa sakit dahil may kalakihan ang tiyan niya. Mabuti na lamang at ipinasyal nina Yumi at Drake si Axel sa mall ng mga oras na iyon. "Bilisan mo, mahal. Lalabas na!" Sigaw ni Kia na lalong nagpataranta rito. "Mahal, pigilan mo!" ani Conor na pinagpapawisan na nang malagkit. Pinalo ni Kia ang asawa na ninenerbiyos. Kunsabagay ngayon lamang siya nito nasaksihan kung paano siya mag-labor. Mas masakit pa ngayong ikalawang baby
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books