Chapter 24 Beatrice's PoV Nakakatuwang pagmasdan ang anak nina Kia at Conor. In-invite nila ako sa birthday party nito. Sa una nahihiya ako dahil sa mga maling nagawa ko ngunit sadyang mabuti si Kia. Kinalimutan niya lahat ng iyon dahil nakapagpatawad na ito sa mga kamaliang nagawa ko sa kanilang dalawa lalo na kay Kia. Nakokonsensiya ako sa hirap na pinagdaanan nito dahil sa ginawa ko. Ikinasal na ako last year at may sarili na ring pamilya. "Ang ganda nyo po, Tita Beatrice. Nasaan po ang gift ko!" nakangusong sabi nito. Sa halip na magsalita ako natawa na lamang dahil sa parang matanda ito kung magsalita. "Nakalimutan ko sorry po!" nakangiting biro ko. Nasa tabi ko sina Kia at Conor. Panay ang saway nila rito. Umirap ito. "Its okay lang po Tita Beatrice but next time po. Magdala p