Chapter 2

2628 Words
NAGISING si Natassa nang maramdaman niya ang manit na bagay na humahaplos sa pisngi niya. Nang imulat niya nang tuluyan ang kanyang mga mata ay mukha ng kanyang ina ang nasilayan niya. Bumalikwas siya ng upo. Iginala niya ang paningin sa paligid. Naroon na siya sa kanyang kuwarto. “Why the hell I’m here?” balisang tanong niya. “Anak, tama nang pagrerebelde. Hindi makakatulong sa ‘yo ang paglalayas. Pinapalala mo lang ang sitwasyon,” sabi ng mommy niya. “Mom, sino naman nagdala sa akin dito?” inis na sabi niya. “Hinatid ka rito ni Elias.” “Sinong Elias?” “Ang piloto ng sinakyan mong aircraft.” “Damn that man!” Nanggalaiti siya nang maalala ang simpatikong piloto. “Please lang, Natassa, huwag mo na ulit uliting tumakas. Kapag nalaman iyon ng daddy mo, lalo lang lalala ang sitwasyon,” samo ng kanyang ina. Bumuntong-hininga siya. Tumayo na ang mommy niya. Sinundan lamang niya ito ng tingin habang humahakbang patungo ng pinto. “What would you like to eat, sweetheart?” pagkuwan ay tanong nito. “Nothing. I just want to be alone,” aniya. “Pauwi na ang Dad mo. Wala akong sasabihin sa kanya tungkol sa ginawa mo,” anito. “Malalaman din naman niya ‘yon.” “Fine.” Tuluyan na siyang iniwan ng kanyang ina. “Kainis! Buwisit talagang lalaking ‘yon! Go to hell, Elias!” Inihagis niya ang unan sa pinto. Kinagabihan ay dumating na ang daddy niya. Naririnig lang niya ang boses nito pero hindi siya lumabas ng kuwarto. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. “Hey, sister! Open the door!” boses ng nakababatang kapatid niyang lalaki na si Nathan. “What?” mataray na sabi niya. Bumukas na ang pinto at pumasok si Nathan. Pinulot nito ang inihagis niyang unan saka ibinalik sa kanya. “Ano’ng kailangan mo?” masungit na tanong niya sa kapatid. Uupo pa ito sa paanan ng kama niya. “Gusto kang makausap ni Dad,” anito. “Tell him I’m not feeling well.” “Come on, you’re overreacting.” “Puwede ba, Nathan, hindi mo ako naiintindihan kaya huwag kang magsalita ng ganyan sa akin.” “Alam ko ang feeling na nasasakal sa batas ni Daddy, Ate. Hindi ako robot para hindi magkainteres sa pag-ibig. Alam ko magkaiba tayo ng sitwasyon pero iisa lang ang proseso kapag nagmahal tayo. I trust Dad because he’s our father.” “Ikaw ‘yon. Ibahin mo ako.” “Hindi ka naman pinagbabawalang magmahal, eh. Ang problema lang, nagmahal ka ng isang kaaway.” “And what’s wrong with Tanner?” “He doesn’t deserve you. Sabihin na nating dati siyang tao na naging bampira. Maaring mabait siya noon, but dark reincarnation changed him.” “Shut up! You don’t know everything about him and you don’t have the rights to judge him! Pare-pareho lang kayong lahat dito sa bahay.” Tumayo na si Nathan saka siya tinalikuran. Malapit na ito sa pinto nang maalala niya ang lapastangang piloto na nag-uwi sa kanya roon sa bahay nila. “Nathan, did you know Elias?” tanong niya. Huminto si Nathan at pumihit paharap sa kanya. “The pilot?” anito. “Yeah. An arrogant pilot,” may inis na sabi niya. Ngumisi si Nathan. “He was nice. He was the oldest daywalker in our generation, but he’s still an undiscovered creature.” “What do you mean by that?” “I can’t help but every time I saw him, I felt something mysterious about his personality. I felt there’s something wrong with him. It’s just my negative reaction while doing some mental manipulation and he’s one of my subjects. Sa kanya lang ako nahirapan nang husto. I can’t even read his mind. I found some negative energy from him,” kuwento nito. “Huh! That was the weird thing I’d ever heard,” natatawang sabi niya. “And why are asking about him?” usig nito pagkuwan. Kumibit-balikat siya. “Nothing. I just want to know him,” tugon niya. “And why?” “Just nothing! You may leave me alone,” aniya saka itinaboy ang kapatid. Tuluyan namang umalis si Nathan. Paglabas ni Nathan ay siya namang pasok ng daddy niya. Bigla siyang kinabahan. Deretso ang pasok nito saka lumuklok sa paanan niya. “You’re doing things worst, my dear daughter. Nagpasalamat ako dahil babae ang panganay kong anak. Mostly kasi sa panganay ay responsable at masunuring anak. But I was disappointed at this time. Mas masahol ka pa sa mga lalaki. Kabaliktaran kayo ni Nathan. Ang kapatid mo, parang babae kumilos. Napakahinhin at sobrang tahimik. While you, you’re the combination of my attitude during my childhood, and the rest was from your mother, your hardheaded mother, wild and sometimes, crazy. Pareho rin kayo ng mommy mo na mapusok. Alam mo bang inis na inis ako sa mommy mo noon? Sa sobrang inis ko, na-in love ako sa kanya. Inisip ko na noong naisilang ka, na posibleng magmamana ka ng ugali sa nanay mo. She was the craziest woman I’d ever met, but I love what she really was. Kahit ganoon ang mommy mo, may katangian siya na gustung-gusto ko. Ang pagiging malambing niya, bagay na hindi mo nakuha,” seryosong litanya ng daddy niya. Kinilig siya sa back story ng parents niya pero nadismaya siya nang ipamukha ng daddy niya na hindi siya responsableng kapatid at anak. Hindi niya napigil ang paglandas ng kanyang mga luha. Lumipat ng upo sa gawing kaliwa niya si Trivor. Pinahid ng kamay nito ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. “Mahal kita, anak kaya huwag mong isipin na wala kang halaga sa akin. All that I did was for your better future. I did not choose a man for you to love but I want to guide you for the right guy. Wala akong nakikilalang lalaki na masasabi ko na karapat-dapat sa ‘yo, pero marunong akong kumilatis. Hindi rin kita pinipilit na pumili ng lalaki na kabilang sa maharlikang pamilya. You still have the right to choose, but be wise and use your common sense. If you want to have a healthy and free relationship, choose a guy who can give you enough affection,” anito. Nahihirapan pa rin siyang tanggapin na against ito sa desisyon niya. Parang kidlat na dumating sa buhay niya si Tanner. Mula sa pagiging kaaway, nagustuhan niya ang binata, maliban sa hitsura, gusto niya ang ugali nito. Gusto niya ang atensiyong binibigay nito sa kanya. “But I love him so much, Dad. I’m happy while I’m with him. I felt comfortable and complete,” aniya. “Naunahan ka lang ng kapusukan, anak. Mahirap ma-in love nang mabilis. May posibilidad na mabilis ka ring masaktan. Sa pagmamahal, hindi kailangang nakabase ka lang sa idinidikta ng puso mo. Kailangan mo ring pairalin ang utak. Ang tunay na pagmamahal, hindi lang binubuo ng mga matatamis na sandali kapiling ng taong mahal mo. Binubuo rin ito ng sakit at pait. You know the consequences when you choose Tanner. Use your knowledge to avoid those negative consequences. Kahit kasi saan mo tingnan, hindi ka puwedeng magmahal ng isang bampira na kontrolado ng kaaway. Anumang sandali ay puwede siyang gamitin ng kaaway laban sa atin. Hindi masamang mag-isip in advance, at least you know how to be prepared for in case what happen. Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa. Inuutusan na kitang kalimutan ang Tanner na iyon. Magtatrabaho ka sa academy bilang researcher, sasama ka sa survey and monitoring the area of responsibilities with our fellow members assigned. Hindi na kita pinapayagang mapasama sa mga warriors. And starting tomorrow, you can’t go anywhere without your partner and personal bodyguard.” Nagimbal si Natassa sa huling binaggit ng daddy niya. “Dad! Are you out of your mind? I don’t need any bodyguard!” protesta niya. Marahas siyang bumaba ng kama at tumayo. “You need it. Dahil nagtangka kang tumakas, I won’t trust you anymore. I’m sorry, my dear daughter. You know me, Natassa. I did not accept any excuses and concerns if not necessary. Meron pa akong natitirang pasensiya, huwag mong ubusin,” matigas na sabi ng daddy niya saka siya iniwan. Wala siyang nagawa kundi maglumpasay sa inis. HINDI pa sumisikat ang araw ay nag-report na sa academy si Natassa kasama ang daddy niya. Bihira siya dumadalo sa mga conference meeting pero sa pagkakataong iyon ay isinama siya ng daddy niya at pinilit siyang pag-aralan ang operation ng organisasyon sa magkaibang departamento. Nakita niya si Devey na nakaupo katabi ng daddy nito. Second cousin na niya ito dahil magpinsang buo ang mga nanay nila. Matagal din silang hindi nagkita matapos itong maikasal. Noong binata pa ito ay madalas itong pumapasyal sa bahay nila kasama ang mommy nito. Wala itong ginawa kundi asarin siya at paiyakin, kaya galit siya rito. Pagkatapos ng meeting ay naiwan siya sa conference room kasama ng mga day walkers na lalaki. Si Devey naman ang nagbukas ng paksa para sa kanila. Iniwan na siya roon ng daddy niya. “Guys, I think we need to do another research for the separated location of our beloved enemies. Medyo nakaiinip nang maghintay kung kailan malaman kung ano ang plano ng kaaway. May sangay na sila sa Luzon at Mindanao. At ang mga research officer natin ay mukhang nagbubulakbol na. Kailangan natin ng bagong team member for this department,” sabi ni Devey. “Ipatrabaho na sa mga rescue team ang research, tutal wala na sila masyadong tinatrabaho since nasa atin na lahat ng survivor,” sabi naman ni Jero. “Puwede. Ang kaso, ang ilang miyembro ng rescue team ay halos mga tao na. Tinatamad na ang ilang day walkers,” komento ni Marcos. Biglang tumayo si Rafael at binalingan si Marcos. “Hey you! Sinong tinatamad? Ako ang bagong leader ng rescue team. Nagre-recruit kami ng mga tao pero mga maabilidad sila!” protesta ni Rafael. “He’s right. Ang ilang member namin ay sumasabak din sa laban bilang warrior kaya nagkukulang kami sa tao,” sabad naman ni Symon. “Enough!” awat ni Devey. Mukhang nagkakagulo na. “Ganito na lang, mag-assign na lang tayo ng at least dalawang miyembro for research team na magta-travel sa ibang lugar at magsagawa na rin ng area monitoring. Mas okay kung merong knowledge sa driving or anything ability to operate any vehicles,” suhensyon ni Devey. “Si Elias na lang. Magaling ‘yon sa monitoring. Puwedeng partner niya sa research si Syrel or Simon?” sabi ni Rafael. “Huwag kang umasa kay Syrel, Raf,” apela naman ni Symon. “Wala ka lang tiwala sa kapatid mo, Mon,” ani ni Rafael. “I know him. Maglalaro lang siya sa operations,” giit ni Symon. “Natassa? Since you’re here, would you like to suggest any idea?” tumbok ni Devey kay Natassa. Kumislot ang dalawa. Nabaling sa kanya ang atensiyon ng lahat. Inayos niya ang kanyang pag-upo. “Uhm, no comment,” sabi lang niya. “Nariyan ka pala, Nat?” nakangising sabi ni Symon. Nakaupo kasi siya sa pinakadulong silya ng mahabang lamesa sa likuran ng lahat. “No, it’s not me, I’m just a fallen angel,” sarkastikong sagot niya. Tumawa ang mga lalaki. Mamaya’y biglang tumahimik nang bumukas ang pinto at pumasok ang natatanging piloto nila. Ang sumira ng lahat ng plano niya, si Elias. Deretso ang lakad nito at umupo sa silya sa bandang kaliwa ng mesa isang dipa lang ang layo sa kanya. “Finally, Elias Morley is here!” anunsiyo ni Devey. Tahimik lang ang piloto habang nakahalukipkip at binabasa ang nakasulat sa logbook na nasa harapan nito. “I just remembered, nabanggit ni Tito Trivor sa akin kanina na si Natassa raw ang ilagay natin sa researching operation. Since warrior siya, nakakapag-explore siya,” pagkuwan ay sabi ni Jero. “Oo nga, ano,” ani ni Devey. Humalukipkip si Natassa. Hindi na siya nag-react. Wala naman siyang choice kundi tanggapin ang trabaho. “At sino naman ang partner niya?” tanong ni Rafael. “The pilot. Si Elias,” mabilis na sagot ni Jero. Marahas na tumayo si Natassa. “No way!” protesta niya. Awtomatikong binato siya ng mahayap na tingin ni Elias. “Si Erman na lang ang partner ko,” sabi niya. “Hindi puwede si Erman. Kasama siya ng daddy niya sa researching operation sa ibang bansa,” ani ni Jero. “What about Syrel? Marunong siyang magpalipad ng eroplano,” aniya. “Nat, masisiraan ka ng bait kapag si Syrel ang kasama mo,” sabad naman ni Symon. “Ah, kahit sino na, huwag lang ang lalaking ito!” giit niya at itinuro ang tahimik na si Elias. “Wew. I smell something fishy,” wika ni Devey. “Ano naman ang problema mo sa guwapong gurang na ‘yan?” simpatikong tanong naman ni Rafael. “He’s twenty years older than you, I guessed. So don’t worry, He can threaten you like his own daughter,” pang-aasar pa ni Symon. Hindi niya alam kung sino sa kanila ni Elias ang inaasar ng mga ito. “Idiots!” bulalas ni Elias saka marahas na tumayo. “Uh, oh,” si Rafael. “Guys, meeting is close. Maghiwa-hiwalay na tayo bago pa bumiyak ang sahig at lamunin tayo ng lupa,” sabi ni Devey habang nag-impake ng gamit. Nagsitayuan na ang iba pa at isa-isang lumabas. Nagtataka si Natassa. Nang siya at si Elias na lang ang naiwan ay kumilos siya para lumabas pero hindi siya nakahakbang nang may kamay na humawak sa kanang braso niya. Marahas niyang hinarap ang binata. “What?” masungit na untag niya. “They’re right. We will do the research and monitoring operation together. It’s your Dad’s order,” seryosong sabi nito. “What? Baliw na ba siya?” inis na sabi niya. “Huwag mong hintaying mabaliw siya dahil sa katigasan ng ulo mo,” anito. “Ano’ng alam mo, asshole?” “I don’t entertain bitches. Let’s go,” sabi nito saka siya kinaladkad palabas. “Hey! Take your hand off me!” nagpupumiglas na sabi niya. Bigla itong huminto at may kinuha sa baywang nito. Nagulat siya nang i-posas nito ang kanang kamay niya at ang kaliwang kamay nito. “Damn! What the hell are you doing, old guy?” naiirita nang sabi niya. Kinaladkad na naman siya nito. “Edad ko lang ang tumatanda, hindi ang p*********i ko,” simpatikong sabi nito. “I don’t care. Panira ka talaga ng buhay ko!” “Shut up!” “You shut up! Let me go! Nasasaktan mo na ako! Hindi ka gentlemen. Wala kang karapatang gawin ‘to sa akin!” palatak niya. “Your Dad told me to do this. Sinabi niya na igapos kita kapag nagmatigas ka’t nanlaban. So be a good girl. I’m just doing my job as your partner and bodyguard,” sabi nito. “Err! Damn you!” “Would you shut your f*cking mount? Hindi ka kaaya-ayang babae!” Lalo siyang nanggalaiti dahil sa sinabi nito. Tumahimik siya nang makarating sila sa lobby kung saan nakatambay ang mga opisyales ng organisasyon kasama ang daddy niya. What a s**t morning! anang isip niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD