Akesia's Point of view "Hindi naman masamang sumali ah. Mangtitrip lang naman tayo and besides baka mangalawang utak natin nya." pagmamaktol ni Kassey na sinang ayunan naman ni Jullia. Napatingin ako kay Henry. Sya lang naman ang may full authority sa aming dalawa kaya kahit na pumayag ako sa gusto nila ay hindi pa rin pupwede kung wala ang permiso ni Henry. He's our number one after all. Naiiling na lang akong tumayo at saka pumunta sa kusina ng mansion. Mananawa lang ako kakatingin at kakarinig sa kanila mamaya pa ata nila mapapapayag yang si Henry. Gusto kasi nilang sumali sa Mind Contest dito sa Maldives at hindi naman ata ito pang karaniwan dahil may limang category ito. Math, Computer, Science, Periodical Elements and of course ang Greek methodology. Girls lang ang pwedeng sumali

