Yana's Point of View Hindi namin alam kung anong nangyari kay Marvin at Kesia pero ng dumating kami sa dorm hindi man lang lumabas si Kesia sa kwarto namin. "Kesia! Hoy" sigaw ni Min at napailing naman ako "I know na may pinagdadaanan ka per please lang wag mo solohin ang kwarto gusto ko nang maligo oh." Alam namin na gusto lang patawanin ng babaeng to si Kesia at para na rin lumabas sya pero walang effect kaya ending napabuntong hininga na lang kami. Kaming anim lang ang nandito sa dorm at ang classmates namin ay binigyan ng chance makauwi sa kanila in one month since tumulong sila sa amin. Napaupo na lang ako sa sofa sa tabi ni Henry saka bumuntong hininga. "Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa pinto ng kwarto namin. "Knowing Kesia? I

