JENNIE Dalawang araw kaming nanatili ni Lyndon dito sa laot. Nag-eenjoy naman ako, dahil bukod sa sightseeing ay namingwit rin kami ng isa at walang kasawaan na naligo sa dagat. Pareho kaming marunong lumangoy ni Lyndon, kaya sabay kaming naliligo sa dagat, kapag hindi na gaanong mataas ang sikat ng araw at nagtatampisaw sa tubig. Nandito kami sa deck at pinapanood kong mag-ihaw ng isda at pusit si Lyndon. Hapon na at nakakaramdam na naman ako ng pagod at antok, dahil matagal kaming naligo at nagbabad kanina sa dagat. Hindi nagtagal ay lumapit sa akin si Lyndon, dala ang ilang pirasong inihaw na malaking isda at inilapag sa harap ko. Gustong-gusto kong kumakain ng ganito tuwing hapon, kaya madalas ay pinag-iihaw ako ng asawa ko. Nakalimutan ko na tuloy ang kumain ng nuggets at hotdo

