Chapter 57

2161 Words

JENNIE “Ngayong alam mo na ang ginawa ko, ipapakulong mo ba ako?” matatag at taas noo na tanong ko kay Lyndon. Tinitigan niya ako sa mga mata. Hindi ako umiwas at sinalubong ang kanyang mga tingin. “We both know that you did more than that, Jennie,” sagot ni Lyndon, habang hindi pinuputol ang titig sa mga mata ko. Nang dahil sa narinig ko ay may nabuong hinala sa isipan ko. Mukhang may iba pang alam si Lyndon tungkol sa akin, pero bakit ayaw niyang sabihin? Nanatili akong walang emosyon sa harap niya, kahit halos mapugto ang paghinga ko, dahil sa napakabilis na tîbok ng puso ko. Huminga muna ako ng malalim at pagkatapos ay nagsalita na. “Alagad ka ng batas, Lyndon, pero wala akong tiwala sa hustisya dito sa Pilipinas. Para lang iyan sa mga mayayaman at maimpluwensyang katulad ng mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD