JENNIE Nagising ako na nararamdaman kong nangangalay ang aking mga hita. Nakadantay pala ang binti ni Lyndon sa ibabang bahagi ng katawan ko, kaya hindi ako makakilos ng subukan kong bumangon. Pumikit muna ako at nagbilang ng ilang minuto, bago muling sinubukang alisin ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Mukhang hindi malalim kung matulog si Lyndon, dahil kahit maingat na naalis ko sa bewang ko ang braso niya ay agad niya akong kinabig pasiksik at palapit sa kanyang katawan. “Good morning, love,” paos ang tinig at mukhang inaantok pa na bati sa akin ni Lyndon. “Love?” mahaba ang nguso na sabi ko. “Tigilan mo nga ‘yan, Lyndon. Wala naman sa kasunduan natin na tatawagin mo ako ng ganyan.” Naramdaman kong umalog ang balikat at dibdib ni Lyndon. Natawa siya sa sinabi ko at pinisi

