JENNIE Parehong nagpaalam na Leo at Liam, pati na rin ang kanilang mga asawa na uuwi na sa kanila. Hindi raw sila pwedeng abutin ng madaling araw na wala sa bahay dahil hahanapin sila ng kanilang mga anak. Naiwan kami ni Lyndon dito sa bahay ng kanyang mga magulang, dahil nag-request si Mommy Bianca na huwag na muna kaming umuwi at dito na matulog ngayong gabi. “Mukhang lasing na ang asawa mo, Jennie,” sabi ni Mommy Bianca, habang pababa kami ng hagdan. “Kanina pa sila nag-iinuman ng daddy n'yo. Lagi kasing busy ang asawa mo at simula ng ikasal kayo ay hindi na umuwi dito kaya namiss namin siya, lalo na ni Mateo,” paliwanag ni Mommy Bianca. “Okay lang po, mommy. Wala naman pong taping bukas si Lyndon, kaya pwede siyang maglasing ngayon,” nakangiting sagot ko. Ngumiti rin sa akin si M

