JENNIE Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamatagal na sandaling lumipas sa buhay ko. Hindi kasi agad sumagot si Lyndon sa tanong ni Leo, kaya lalo lamang akong nagkaroon ng interest na marinig kung ano ang isasagot niya. “Sa mga nangyari sa pamilya natin, lalo na sa inyo ni Yara ay hindi malayong maulit iyon, Leo. Nasa serbisyo kayong dalawa ni Daddy at mainit kayo sa mga rebelde. Gano'n rin sa trabaho ko. Marami akong kriminal na nasagasaan at kilalang mga bigating tao na pwedeng maghiganti sa akin, kapag nalaman nila kung sino talaga ako,” paliwanag ni Lyndon. Ang huling sinabi niya ang talagang kumuha sa atensyon ko. Mas malakas na ngayon ang hinala ko na isa ngang secret agent si Lyndon at wala pang nakakakilala sa identity niya in public. Kilala lamang siya bilang isang sikat na si

