JENNIE Dahil nakasimangot lang ako at hindi nag-abalang sumagot at magpaliwanag sa lalaking kasama ko, kaya mukhang hindi na siya nakatiis pa at nagsalita na. "Don't tell me, na nandoon na agad sa backdoor ng spa ang kotse ng tauhan ni Alexander Kazimir at naghihintay sa iyo nang dumating ka doon, Jennie, para ihatid ka sa building na pinuntahan mo," hindi maitago ang pagdududa sa tinig na sabi ni Lyndon, habang nakapikit ako at hindi sinagot ang huling tanong niya kanina. Inis na nagmulat ako ng mga mata at bumaling sa kanya. "Sabihin mo nga sa akin, may nakakabit bang tracker o CCTV camera sa katawan ko, kaya lahat na lang ng kilos ko ay nakikita at pinapakialaman mo!" Naningkit ang mga mata ko ng makita kong ngumisi si Lyndon, habang ako naman ay pikon at nag-iinit ang ulo sa upuan

