JENNIE Kakaiba ang kabang nararamdaman ko habang pababa ng helicopter na sinakyan namin ni Lyndon. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa natakot ako na ang asawa ko ang piloto, kung ‘di alam ko na posibleng makaharap ko mamaya ang magulang ko. Matapos ang mahabang panahong lumipas na pareho silang hindi naging bahagi ng buhay ko ay bigla kaming magkikita. Ang totoo ay hindi ko alam kung paano ko sila haharapin at kung ano ang kahihinatnan ng pagkikita namin, pero para sa anak ko ay gagawin ko ito, kahit mabigat sa kalooban kong makita silang dalawa. Hindi ko alam na marunong palang magpalipad ng chopper si Lyndon. Bukod sa pagiging artista at agent niya ay license pilot rin pala ang lalaking ito, bagay na hindi ko inaasahan, dahil hindi naman ito nakalagay sa kanyang profile

