Tila kay bilis ng araw at isang linggo na pa lang nakauwi si Hugo, unti-unti na ring nararamdaman ko ang pagbabago sa aking katawan. Mula sa aking pang-amoy hanggang sa pag-umbok ng aking tiyan. "Anak, anong ginagawa mo riyan?" untag sa 'kin ni mommy. Nang makita nito ang aking mukha ay nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilaan kong braso. "Alam ko ang lungkot na 'yan kasi naramdaman ko rin 'yan nang malayo ako sa daddy mo pero isipin mo na lamang mas safe kayo ng anak mo rito," anang ni mommy. Napasinghap ako upang matanggal ang bigat sa 'king dibdib. "Mommy, ang hirap para bang gustong-gusto ko na siyang puntahan pero hindi pwede," malungkot kong saad. Niyakap ako ni mommy. "Nangako naman siyang babalikan ka niya sa oras na maayos niya ang lahat, hindi ba?" wika pa ni mommy na