He is running out of time, matatapos na ang isang buwan na ibinigay ng daddy ni Kath na palugit sa kanya. "Sir, nasa labas si Miss Sta. Maria," silip ng sekretarya ni Hugo. "Let her in," tugon naman niya. "What is this all about, huh, Hugo? Ginagawa mo ba ito dahil sa umamin ako sa feelings mo sa 'yo?" palatak nito. Binitiwan ni Hugo ang hawak na ballpen at tumayo saka nagpamulsa. "Ginagawa ko ito dahil I'm doing my best to bring back the company into track," palatak ni Hugo. Kita ang pagkunot ng noo ni Monica sa kanyang sinabi. "Yes, Monica, I don't wanna lose the company that is why I am buying your share," sagot niya rito. "What?!" palatak nitong nanglalaki ang mata. "What do you mean you are buying my share, I'm not selling it," saad nito. Humakbang si Hugo papalapit dito. "I