OCEANE POV “ANONG ... Anong mayroʼn po sa pagitan nating dalawa, Young Master Strive?” Naglakas—loob na akong nagtanong sa kanya para malaman ko ang totoo lalo naʼt naka—second base na siya sa akin. Nasa akin pa rin ang tingin ni Young Master Strive. Hindi na siya umiwas. “Anong mayroʼn sa ating dalawa, baby girl?” tanong niya muli sa akin. Tumango ako sa kanyang sinabi. “Y—Yes, iyon nga, Young Master Strive. What are we?” Nakatitig ako sa kanyang mga mata. “I like you.” Parang tumigil ang aking oras nang marinig ko ang sinabi niya. Napakurap—kurap ako habang nakatingin sa kanyang mukha na seryoso ang tingin sa akin. “A—ano po?” bulalas na tanong ko sa kanya. Para kasing nabingi rin ako. Kaya inalog—alog ko ang aking magkabilang tenga. “I like you, Oceane.” Tumigil ng millise

