OCEANE POV “OCEANE, mauna ka ng pumasok sa headquarters, dʼyan tayo nanunuluyan, lahat ng stay—in dito sa loob ng pagmamahay ng mga Cuevas. Naiintindihan mo ba ako?” sabi ni Manang Saldi sa akin. Natapos na rin kaming lumibot sa buong bahay ng mga Cuevas. Sobrang laki ng kanilang bahay at halos mga mamahalin ang kanilang gamit. Kaya kanina ay ingat na ingat ako. Ayoko namang makabasag ng gamit sa first day ko, ano? Tinuro niya ang isang bahay na nasa likod ng main house. “Iyan ang headquarters, mauna ka na. May gagawin pa ako. Kailangan ko pang hatiran ng pagkain ni Young Master Strive,” dagdag niyang sabi sa akin. Si Strive iyong lalaking napagkamalan kong si Strove. Nakakahiya talaga. Nalaman na tuloy niyang fangirl ako ni Strove. “Okay po, Manang Saldi.” sabi ko sa kanya, mahina

