OCEANE POV HABANG nakahiga pa rin ako sa kama ay hindi ko napigilang buksan ang facetagram account ko. Nag—i—scroll ako sa mga posts sa aking newsfeed, nililibang ko ang aking sarili para makatulog na talaga ako. Nag—i—scroll pa rin ako hanggang sa biglang may nakita kong isang post. Binalikan ko iyon hanggang sa biglang lumiwanag ang mukha ko. “Eh?” malakas kong sabi habang binabasa ang mahabang caption sa post na ito. “Oh my gosh!” Hindi ko na napigilang mapabulalas dahil sa gulat na nababasa ko ngayon. Ang binabasa ko lang naman na post ay from official page ni Young Master Strive. May bagong post and announcement sila. “See you tomorrow! Live tayo, 6:00 PM! Donʼt miss it!” basa ko sa pinaka—caption ng post. Biglang nawala ang antok na nararamdaman ko dahil sa aking nabasa.

