OCEANE POV “NANDITO na tayo sa bahay ng mga Cuevas, Oceane.” Napatingin ako sa bahay na sobrang laki na may tatlong floor yata base sa nakikita ko ngayon. “Bahay ba talaga ito, Annie? Parang Mansion!” bulalas na sabi ko habang hindi nawala ang ningning sa aking mga mata. First time kong makakita ng ganitong bahay. “Oo, Oceane. Small house pa raw ito ayon sa mga mas nakatatanda sa akin dito sa bahay. Tara, ipakilala nakita sa head maid namin,” mahinang sabi ni Annie at nag—doorbell na siya. Ang ganda. Sarap siguro manirahan dito. Hindi tumutulo ang bubong nila kapag umuulan or bumabagyo. Napasubsob ako sa likod ni Annie nang mapahinto siya. “Bakit huminto ka, Annie?” tanong ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. “Oceane, heto ang head maid namin, si Manang Saldi.” Tinuro niya ang

