OCEANE POV “OCEANE, may ginagawa ka pa ba?” Napahinto muli ako sa pag—aayos sa mga papers na nakakalat dito sa coffee table. Pinag—i—stapler ko lang ang mga ito. Kahapon folder then papers na ngayon. Ano naman kaya bukas ang ipapagawa niya? “Po? Young Master Strive?” mabilis kong sabi at tumayo sa kinauupuan ko. “May ginagawa ka pa ba?” Napatingin ako sa papers na nakakalat para naman malaman niyang may ginagawa pa talaga ako. “Wala naman na pala...” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Malabo ba ang mga mata niya? Ang daming papers sa coffee table niya. “Ibaba mo muna itong documents. Parating na si Jack, ang secretary ko. Then may ibibigay rin siya sa iyo. Kunin mo at ibigay sa akin,” sabi ni Young Master Strive sa akin. Huminga akong malalim at tumango nang dahan—dahan. Kinu

