OCEANE POV NANG maasikaso ko na ang lunch ni Young Master Strive, binuhat ko na rin ang tray. “Ate Vic, mauna na po ako sa inyo,” sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako. “Sige, Oceane. Bumaba ka agad at mag—uumpisa na tayong maglinis dahil parating na mamayang hapon ang mag—de—design sa party and anniversary nina Madam Honey and Master Steven,” Paalala niyang sabi sa akin. Tinignan ko siya. “Alam ko po ang tungkol doon, ate Vic!” sagot ko sa kanya. Lumakad na ako palabas sa main kitchen habang naglalakad ako papunta sa second floor, sa office room ni Young Master Strive. Sinabi naman ni Maʼam Honey ang tungkol doon na kailangan naming maglinis ngayong araw at darating ang mag—aayos. Kaya lahat kami ay kailangang maglinis ngayong araw. Kahit akong personal maid ni Young Master Strive.

