STRIVE POV HINDI ko alam pero bigla na lamang akong nagising. Napatingin ako sa ceiling habang tahimik ang buong kʼwatro ko ngayon, hindi lamang kʼwarto ko dahil maging ang buong bahay namin ay sobrang tahimik. Napatingin ako sa side table at nakita ko ang automatic and industrial clock ko. “Really, f**king five in the morning!” Hindi ko napigilang mapabuga nang makita ang oras. Paniguradong natutulog pa ang parents ko, but mga kasambahay namin, paniguradong may gising na sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nagising ako, ganoʼng alas—dose na rin ako ng hatinggabi nakatulog dahil sa work ko. Muli akong nakatulog hanggang muling nagising ako sa pagkakataon na iyon ay nangunot ang aking noo habang nakahiga ako sa kama. May naririnig ako. Malakas na boses. Kumakanta? May kumakanta ng

