OCEANE POV ILANG minuto ang lumipas nang mawala na si Young Master Strove sa akin, pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa kamay kong kinamayan niya. Tapos na rin akong magluto at maghanda ng breakfast ni Young Master Strive kahit ang isip ko ay naka—focus kay Young Master Strove at sa kamay kong kinamayan niya. “Ah! Parang gusto ko na lamang putulin ang kamay ko at i—preserve ito,” sabi ko sa aking sarili. Pero hindi naman pʼwede iyon. Baka mamatay na ako. “But, the bottom line... Kinamayan talaga ako ni Young Master Strove...” mahinang sabi ko habang nakatitig ako sa kanang kamay ko. “Oceane, anong tinitignan mo sa kamay mo?” Napaangat ang aking tingin na nasa harapan ko, si ate Vic pala. Unti—unti akong ngumiti sa kanya. “A—ate Vic... N—nakita ko si Young Master Strov

