OCEANE POV “GRABE, mukhang hinahanap ka na agad ni Young Master Strive, Oceane.” May narinig akong boses at kasunod nuʼn ay ang pagtawa mula sa likod ko. Napalingon ako at doon ay nakita ko si Annie na may hawak na number. Namula ako ako at napatingin sa kanya. “H—huwag ka nga, Annie. Gusto lang niya akong pag—tripan at utusan. Paniguradong tambak na naman ng folder ang office room niya,” sabi ko sa kanya. Tinignan lamang niya ako. “Magre—reply ka ba?” Naupo na siya sa harap ko. Napaisip ako sa sinabi niya. “Mamaya na. Day—off naman natin,” sabi ko at tinago muli ang aking phone. Nangunot ang noo niya. “Bakit?” Napangiti ako ng pilya. “Para ma—miss niya muna ako nang konti,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang kanyang pag—iling. “Naku, Oceane... Iba ka rin. Si Young Master Strive pa a

