OCEANE POV ILANG minuto ang lumipas ay natapos na rin akong magluto. Katulad ng dati ay nilalagay ko iyon sa tray para isang bitbit lamang. Lumakad ako papunta sa office room niya at kumatok doon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakita ko si daddy Strive ngayon. Lalo naʼt may nangyari na sa aming dalawa kagabi at kaninang madaling araw. “Come in.” Biglang nag—react ang aking katawan nang marinig ko ang boses ni daddy Strive. Binuksan ko ang pinto ng kanyang office room at doon ay nakita ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. “G—good morning po, Young Master Strive—” “Daddy Strive, baby girl. Ilang beses ko bang sasabihin iyon saʼyo?” Napapitlag ako sa kanyang sinabi. “S—sorry po, daddy Strive,” nakangiting sabi ko sa kanya. Inilapag ko ang tray sa table niya. S

