STRIVE POV MATAPOS ang meeting ay agad kong tinawag sina Streve and Strove. “Streve and Strove... We need to talk... Privately!” madiin na sabi ko kanila habang kausap ni Gigi si Strove. Tinignan nila akong dalawa na parehong tumaas ang sulok ng kanilang labi. “I will, Strive. Kakausapin ko lang si Gigi. Susunod din ako,” sabi ni Strove sa akin. Napailing na lamang ako sa kanya at nauna akong lumakad. “Sa office room ko kayo pumunta,” paalala kong sabi at bago ako lumakad paalis sa pool area na iyon. Hindi ko na muna lalapitan si Oceane, mamaya lang naman ay makikita ko muli siya... For our dinner. Nauna na akong lumakad pabalik sa main house hanggang maharang ako ni dad. “You looks happy, Strive,” sabi niya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad. Tinignan ko si dad na nasa unang ba

