OCEANE POV HINIHINTAY kong magsalita si Young Master Strive pero napansin ko ang kanyang tingin sa akin. Nangunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya. “Bakit... Parang hindi siya sa mukha ko nakatingin?” tanong ko sa aking sarili. Dahan—dahan kong sinundan ang direksgon ng mga mata ni Young Master Strive at doon ay napagtanto kong nakatitig siya sa aking dibdib. Sa dibdib ko ba siya nakatingin? Bigla akong natigilan at ibinaba ang aking tingin. Napansin kong wala naman mali sa suot ko ngayon, naka—uniform ako na pang—maid, pero bigla ring nanlaki ang aking mga mata nang makitang ang dalawang butones sa aking uniform ay nakabukas. “S—sorry po, Young Master Strive!” mabilis kong sabi at tumalikod. Binutones ko muli iyon kahit nakita na niya ang blue na brassiere ko na may desig

