OCEANE POV NANG matapos akong makapagluto ay umakyat na ako sa office room ni Young Master Strive na dala ang breakfast niya. Katulad sa nakalipas na araw ay kumatok ako before pumasok sa kanyang office room na dala ang kanyang breakfast. Inilapag ko na muli ang tray na dala ko. “Breakfast ninyo po, Young Master Strive.” sabi ko sa kanya at inayos ang plato sa kanyang table, pero habang nag—aayos ako ay may napansin akong kakaibang pamilyar na pakiramdam. Napatingin ako kay Young Master Strive ng hindi siya nagsalita, pero ang mga mata niya ay nakatingin sa akin ngayon. Kumabog nang malakas ang aking puso, ganyan na ganyan ang tingin na nakita ko kanina. “What it is, Oceane?” Napaiwas ako ng tingin at umiling ako sa kanya. “W—wala po, Young Master Strive,” mahinang sabi ko sa kanya

