HINDI NA NATULOY ang pagligo ko. After my night rituals, wala pa rin ako sa sariling nahiga sa kama. Ala-una na ng madaling araw ngunit mulat na mulat pa ako. He was brave enough to meet my family. He was really sorry. He loved me. There was so much revelations today at kahit pagod na pagod ang katawang-lupa ko lalo na ang isip ko ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. Dahan-dahan akong bumangon at tinungo ang pinto. I found myself in front of his bedroom door at hindi ko malaman kung kakatok ba ako o susubukan kong pihitin ang seradura ng pinto. Sa huli, napagdesisyonan kong pihitin na lang kaysa lumikha ng ingay. Bukas iyon at nakita ko siyang natutulog sa kama. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o babalik na sa kuwarto ko. Hindi na lang ako lumapit pero nakita ko siyang nilalamig.