SINO RAW AKO? Tatlong salita lang pero ang hirap sagutin. Kung sa Spain siguro kami nagkita, ang dali lang ng lahat. Uhm, siguro hindi ganoon kadali but at least, I wouldn’t be lying about my entire being. Ni palayaw ko ay hindi ko masabi sa kaniya. Isn’t that pathetic? How hard was to say, Hi! I’m Zia. Tumikhim ito. “Tatahimik ka na lang ba?” Nanatili akong tikom ang mga labi. At least, I know he wouldn’t attempt to kiss me again kapag hindi ako nagsasalita. Hinahalikan lang naman niya ako kapag nagsasalita ako. It was his means of shutting me up. Ako namang si tanga, haling na haling sa halik niya. “Alam mo bang hindi ka mawala sa isip ko simula nang makita kita sa banyo namin?” So, hindi lang pala ako ang ganoon. Itanggi ko man nang paulit-ulit, lumilitaw pa rin ang guwapo niyang