Chapter 33

1041 Words

HINDI AKO PUMAYAG sa sinabi ni Aaron na isang buwang palugit. At ngayong balak ko nang sabihin sa kaniya ang lahat bago ko tanggapin ang inaalok niya, kung iaalok niya pa rin sa akin ay ngayon pa nangyari ang isang aksidente.  Ang lumang van ang dala ni Tatay Tino nang biglang mabangga ito ng isang SUV na walang plaka. Tumaob ang van at kung hindi dahil sa malaking puno ay baka tuluyang gumulong pababa sa bangin ang van. Galing ito sa kaniyang kumpare at dahil Linggo ay pinayagan naman ito ni Inay Mila kanina. Mabuti na lang at may napadaan na sasakyan at nakita ang akdidente kaya nakahingi kaagad ng saklolo.  Pitong araw kasing bukas ang canteen pero ang catering ay anim na araw lang. Ang spa ni Maya ay anim na araw ding bukas pero sarado kapag araw ng Linggo. Si Jun ay sasama sana kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD