SINABI SA AKIN ni Ate Len na alam na niya ang tungkol sa kaso nina Tatay Tino. I apologized with her dahil parte ako ng galit ni Sandra. In fact, kung hindi dahil sa akin ay hindi naman niya gagawan nang masama ang mga ito. Pero umiling si Ate Len at sinabing sira lang daw talaga ang ulo ng babaeng ’yon at si Aaron ang magbabalanse ng mga kalohan ni Sandra sa buhay. Ano nga ba ang pinakamabisang takip sa lahat ng kalokohan niya sa industriya ng showbiz kung hindi ang lumabas sa media na disente ang boyfriend at hopefully magiging asawa nito. Sinabi ko kasi sa kaniya ang tungkol sa pakikipag-s*x ni Sandra sa garden noong may party ang Mama ni Aaron. Diring-diri siya at halos masuka. Gaano raw ba kakati si Sandra at kung saan-saan na lang inaabot para maibsan ang tawag ng laman. Nagkibit-b