"BAKA kailangan mo ng kasama, Sir. Travis. Nandito lang po ako. Delikado ang labas, kailangan niyo ng kasama kung saan man po kayo pumunta." "No need, Joel. Hindi ko kailangan ng kasama dahil kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Just stay here at bantayan mo ang nasa loob ng bahay lalo na si Isabella..." tanggi ni Travis kay Joel kapagkuwa'y sumakay sa kaniyang sasakyan. "Masusunod, Sir. Travis. Ingat." Tango lang ang itinugon ni Travis kay Joel bago pinaandar ang sasakyan palayo. Napagdesisyunan niyang pumunta muna sa bahay nila bago pumasok sa kaniyang trabaho. Kahit pinaghihinalaan niya pa rin ang daddy niya sa pagkawala ng mommy niya, nag-aalala pa rin siya rito. Halos isang linggo na silang hindi nakakauwi roon at pawang ang daddy lang niya ang naiwan sa napakalaki nilang baha